HIMNO KAY SAN ANTONIO DE PADUA (OFFICIAL)- National Shrine of San Antonio De Padua - Joey M. Bulatao
JMB Musika Atbp. JMB Musika Atbp.
2.09K subscribers
9,990 views
152

 Published On Jan 19, 2021

Himno Kay Poong San Antonio
National Shrine of San Antonio De Padua
(Co-composer: Mr. Joey M. Bulatao)

Poong San Antonio tagapagtanggol
Maawa ka sa bayang tunay mong lingkod.
Sa saliwang palad salot at sakit
Sa'yo po'y lalapit ang bayang api.

Kung nais mo ng himala
Kay Antoniong banal dumulog ka
Sa lahat ng masama at nakaka-pinsala
Ika'y ililigtas at ipag-aadya.

Poong San Antonio tagapagtanggol
Maawa ka sa bayang tunay mong lingkod.
Ang Diyos na sanggol hari ng mundo
Ay kusang lumagay d'yan sa bisig mo.

Nawawalang bagay matatagpuan
Pinto sa kulunga'y mawawasak
Sungit ng panahon daluyong ng dagat
At anumang sakit s'ya ang lunas.

Ending:
Poong San Antonio tagapagtanggol
Maawa ka sa bayang tunay mong lingkod.

show more

Share/Embed