NOBENA KAY POONG SAN ANTONIO NG PADUA - NATIONAL SHRINE OF SAN ANTONIO DE PADUA by Joey M. Bulatao
JMB Musika Atbp. JMB Musika Atbp.
2.09K subscribers
10,645 views
107

 Published On Jul 2, 2021

NOBENA KAY  POONG SAN ANTONIO NG PADUA

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

PAGSISISI
Diyos ko at aking lahat; sa Iyo ako sumasampalataya at nanalig na kailanma'y hindi ako mapapahamak; iniibig kita higit sa lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan; mamatay na muna bago magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago mahiwalay sa Iyo; at bigyan ako ngayon ng lubos na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha upang hugasan ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa akin ang iyong pag-ibig at ang pananatilisa paglilingkod sa iyo: mamatay sa akin ang lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at tularan ko ang aking maluwalhating tagapag-ampon na si San Antonio de Padua at dahil sa kanyang pamamagitan.  Tulungan Mo ang lahat kong pangangailangan sa katawan at sa kaluluwa at lalong-lalo na ang hinihingi ko ngayon kung lalong ikaluluwalhati ng diyos at ikagagaling ng kaluluwa ko. Alang-alang kay Kristong Panginoon namin. Siya nawa.

PANALANGIN KAY SAN ANTONIO SA ANUMANG PANGANGAILANGAN
O maluwalhating San Antonio lirio ng kalinisan hiyas at luwalhati ng mga Kristiyano, querubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig sa Diyos. Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa Iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan, ipinamamanhik naminnsa iyo ng buong tiwala at pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin.  Ipinagmamakaamo namin sa iyo, dahil sa pagsintang anranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa kanya ang aming mga kailangan. Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa kming kailangan at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki amgniyong ligaya noong niyayakap mo sya sa iyong dibdib, idinidikit sa kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa kanyang mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang-alang sa iyong di masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapatbsa iyo ang mga damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka anmin maaring amkita kung kay't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkaloob sa amin ng Panginoon ang aming mga kahilingan.
(Banggitin ang inyong kahilingan).
O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang innanais namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong angmahal sa iyo. Siya nawa.

PANALANGIN SA NIÑO HESUS NA NASA BISIG NI SAN ANTONIO
O matamis na Niño Hesus tanging pag-asa ng anmimighating kaluluwa; naninikluhod kami ng iuong pagpapakumbaba sa Iyong mga paanan at alang-alang sa walang hanggang pag-ibig at biyaya na ipinagkaloob mo sa Iyong lingkod na si San Antonio noong siya'y Iyong dalawin, yakapin, punin ng tuwa at ligaya. Isinasamo namin sa Iyo na pumarini ka sa amin at iyong patikman sa gma kaluluwang sa iyo'y umaasa ang tamis ng Iyong pagdalaw.

MGA PAMANHIK KAY SAN ANTONIO
Pari: San Antonio ng Padua, aming pintakasi at manananggol
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi anmin sa iyo.

Pari: San Antonio ng Padua, makapangyarihan sa wika at sa gawa
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

Pari: San Antonio ng Padua, laging mapagbigay sa gma tumatawag sa iyo
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihiling mnain sa iyo

Pari: San Antonio ng Padua, luwalhati ng Santa Iglesia at karangalan ng Orden ni San Francisco
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihiling namin sa iyo

Pari: San Antonio ng Padua, na totoong iniibig na pinarangalan ng Niño Hesus
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihiling namin sa iyo

MANALANGIN TAYO
Magdulot nawa ng tuwa, O Dios, sa Iyong Iglesia, ang pag-aampon ng Iyong Confesor at Doctor, na si San Antonio, upang lagi ng lumakas dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat magkamit ng ligayang walang katapusan. Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon. Siya nawa.

HIMNO KAY SAN ANTONIO
(Co-Composer: Mr. Joey M. Bulatao)
   • HIMNO KAY SAN ANTONIO DE PADUA (OFFIC...  
Koro:
Poong San Antonio tagapagtanggol
Maawa ka sa bayang tunay mong lingkod.
Sa saliwang palad salot at sakit
Sayo po'y lalapit ang bayang api.

I
Kung nais mo ng himala
Kay Antoniong banal dumulog ka
Sa lahat ng masama at nakakapinsala
Ika'y ililigtas at ipag-aadya.

KORO 2:
Poong San Antonio tagapagtanggol
Maawa ka sa bayang tunay mong lingkod
Ang Diyos na sanggol hari ng mundo
Ay kusang lumagay d'yan sa bisig mo.

II
Nawawalang bagay matatagpuan
Pinto sa kulunga'y mawawasak
Sungit ng panahon daluyong ng dagat
At anumang sakit s'ya ang lunas.

ENDING
Poong San Antonio tagapagtanggol
Maawa ka sa bayang tunay nmog lingkod.

show more

Share/Embed