Mac Mafia - Bagong Yugto
Mac Mafia Mac Mafia
203K subscribers
143,809 views
1K

 Published On Oct 26, 2019

Mac Mafia - Bagong Yugto

A Scott Wilson Divinagracia Original Composition

Beat Used: Free Mac Miller type beat 2019 - Gracious People
Link:    • FREE Mac Miller type beat 2019 "Graci...  

Lyrics:

Verse I:

Yo kamusta na, okay ka lang ba?
Anong balita sa atin, may nagbago na ba?
Matagal na rin akong hindi nakabalik dyaan
Nakakamiss maglakad dyan sa may dalampasigan
O kaya ay angkinin bawat daan
Agad paandar ng motor para di mapagsabihan

Takas sa problemadong realidad
Ano ba ang ating kailangan sa ating pag-unlad?

Kalayaan, ang syang pinapangarap
Tiwala sa sarili at ating pagsusumikap
Ang magdadala sa atin tungo sa ating hinaharap
Wag kang tumigil sa pagkayod, libre lamang ang mangarap

Lagi mo 'yang itatak sa sentido mo
May oras talaga na tayo ay nalilito
Pero wag kang mag-alala andito lang naman ako
Ako'y palagian na kasama sa paglalakbay mo

Hook:

Ganun pa din, tuloy lang tayo
Ang buhay ay puno ng kamalasan at peligro pero
Di na 'ko aatras kahit na madehado
Todo-kayod lang ako, ganyan ako ka pursigido.

Handang sumugod sa delubyo
Walang paki kahit na maiputan man sa ulo at
Walang balak na umatras kahit na madehado
Todo-kayod lang ako, ganyan ako ka pursigido

Verse II:

Heto na naman
Di ko namalayan na ako'y namulat na lamang sa panibagong yugto ng aking buhay
Mga problema'y biglaang nagsusulputan na parang inaanay na bahay
Panay bukambibig na sana ako ay masanay sa ganitong buhay
Itapon ko nalang daw ang ibang bagay na di naman mahalaga
Hindi mo ba alam na di lahat nadadaan sa chamba

Patuloy sa pag-arangkada

Ngunit sa kalagitnaan na ng daan
Lingid saking kaalaman
Na ambigat pala nitong aking pasan na bagahe
Kunwari kaya pang umabante
Pursigido palagi
Tiyak aking titibagin kahit sino man ang humarang
Ay aking wawasakin, mga balakid ay tatalunan
Walang pagsubok na hindi ko kayang lagpasan

Wag kanang malungkot, ngiti kalang palagi
Iwasan ang pagkainip, kalma lang tayo pare
Medyo barado ang daan, makakaraos din
Medyo pilit yung tawa mo, ba't di mo sagarin.

Hook:

Ganun pa din, tuloy lang tayo
Ang buhay ay puno ng kamalasan at peligro pero
Di na 'ko aatras kahit na madehado
Todo-kayod lang ako, ganyan ako ka pursigido.


Mixtape "Ekwalidad" Coming Summer 2019!

show more

Share/Embed