Mac Mafia - Pinagpalit
Mac Mafia Mac Mafia
203K subscribers
2,508,491 views
6.4K

 Published On Oct 29, 2019

Mac Mafia - Pinagpalit

A Scott Wilson Divinagracia Original Composition
Beat Used: [Free] Lo-Fi Type Beat - Moon
Link:    • (FREE) Lo-fi Type Beat - Moon  

Lyrics:

Chorus:

Baby, ba't iniwan mo ako
Di mo ba alam na anlaki ng butas na iniwan mo sa aking puso
Baby, ba't sinaktan mo ang damdamin ko
Pakiramdam ko tuloy ako'y hindi sapat para sa iyo
Oohhh

Verse I:

Hindi ko maintindihan
Kung bakit sa tuwing malayo ka ay laging nagigiyang
Palagiang hanap ang mga yakap at halik
Kapag kasama kita ay di ako makaimik

Dahil sa katangian mong taglay
Tila araw-araw nawawala aking lumbay
Minsan nasabi ko sa sarili ko
Hindi na 'ko maghahanap ng iba dyan, dahil ikaw lang, oh

Ayaw mong maniwala , hayaan mo na patunayan ko
Hayaan mong gawin ko ang lahat para lamang sa'yo
Wala akong pakialam, kahit ga'no pa katagal
Bago mo ako sagutin, nang sa gayon ay tayo na at opisyal

Ko nang ipagmamalaki sa buong mundo na tayong dalawa lamang,ikaw at ako
Pangako,hanggang sa dulo, ngunit pinagpalit mo lang ako sa mas malapit sa'yo

Chorus:

Baby, ba't iniwan mo ako
Di mo ba alam na anlaki ng butas na iniwan mo sa aking puso
Baby, ba't sinaktan mo ang damdamin ko
Pakiramdam ko tuloy ako'y hindi sapat para sa iyo
Oohhh

Verse II:

Di ko inasahan na darating yung araw
Na ako'y gigising nang wala ka sa'king piling
at pinipilit kong limutin ang mga ala-ala
Na ating binuo nung tayo pa ay magkasama

At ang sakit sa pakiramdam
Na pinagpalit ka sa isang taong nakilala mo lang kamakailan
Hanggang saan aabot 'tong kirot at sakit
Ang hapdi, labis ang paghihinagpis, ako'y naiinis

At unti-unti nang napapagod kaiisip
Kung san ako nagkulang habang ikaw naman ay nagbubulag-bulagan, na para bang wala lang
Nagbibingi-bingihan, hanggang kailan mo ba 'ko hahayaan na tuluyan nang mawasak at madurog at magdurusa, lamunin ng kalungkutang kakahanap ng dahilan
Ganun na lang ba talaga, kadali para sa'yo na tanggalan ako ng halaga

Lahat ng sakripisyo't pagsisikap para lamang tayo'y magtagal, napupunta lamang sa wala
'Di ko alam kung san ako papunta, kapag wala ka na
Ikaw na naman ang iniibig ko at wala nang iba,
Wala nang iba...

Tangina...
'San ba ako nagkulang?
Putangina talaga!

Mixtape "Ekwalidad" Coming Summer 2020!

show more

Share/Embed