It’s Showtime September 28, 2024 | Full Episode
ABS-CBN It's Showtime ABS-CBN It's Showtime
2.38M subscribers
21,682 views
420

 Published On Sep 28, 2024

Sumigaw ng malakas para iwas malas. Itaas ang energy para full blast ang positivity. Take it from Kim Chiu, na always similing, kaya sa life ay winning. Ang paborito nating chinita, wagi sa Asya! Dahil sa husay bilang Juliana sa "Linlang," Most Outstanding Asian Award mula sa Seoul International Drama Awards 2024 ang kan'yang reward. Si Kim, may mga gustong pasalamatan. Of course, kasama si Paulo Avelino sa listahan.

Pinarangalan din ang "It's Showtime" bilang National Winner ng Best General Entertainment Program. Para sa inyo ang tagumpay na ito, Madlang People, na kasama namin mula Lunes hanggang Sabado, umulan man o bumagyo.

Tuloy-tuloy ang good vibes sa "Kalokalike Face 4," kung saan ang mga sikat na personalidad ay makakatagpo na kanilang katulad.

Break muna si BINI Colet sa concert preparations, dahil sa "It's Showtime" muna siya magpapasikat. Kalokalike ni Colet, palaban sa sayawan, palaban din sa biruan. Bakit nga ba siya binansagang 'angry' ng Blooms?

Parang may Part 2 ang "Linlang," dahil si JM De Guzman, dumating para kay Kim ay makipag-aktingan.

Oops! Hindi napaaga ang Halloween! In character lang si contestant number 3 as The Undertaker—pati pagtirik ng mata, kinarir! Aba, teka, si Ogie Alcasid, hinamon si Undertaker sa isang wresting match!

Sa "Tawag Ng Tanghalan The School Showdown" 5th Midterms, itinodo na ang salpukan ng mga boses na palaban!

Apat na semi-finalists ang naglaban sa entablado. Sa unang round, bibigyan nila ng bagong timpla at himig ang mga awitin na pamilyar na sa ating pandinig.

OPM hit na "Sumayaw Sumunod," mas naging sexy at classy ang tunog sa jazz-like areglo ni Den Khayelle Quiatchon ng National University-Laguna. "Superhero" ng Rocksteddy, reimagined sa bersyon na mas nakakakilig sa pandinig, hatid ni Geelzy Go ng Divine Word College of Vigan.

Rock 'n roll ang vibes ng Eraserheads classic na "Magasin," dahil sa performance ni Thor Valienteng La Salle-Greenhills. Ihanda naman ang puso dahil siguradong tatagos ang nakakaiyak na rendition ng "Pagdating ng Panahon," handog ni Christian Tibayan ng De La Salle-Lipa.

Sina Den Khayelle, Thor at Christian ang umabante sa Round 2 kung saan inawit nila ang kanilang pangmalakasang piyesa– “Chain of Fools” kay Den, “What Kind Of Fool Am I” ang ibinirit ni Christian, at “Mr. Brightside” kay Thor.

Lahat ay nasorpresa sa naging resulta dahil tatlo ang hinirang na panalo nina hurado Nyoy Volante, Jed Madela, Ogie Alcasid, Klarisse de Guzman, at Louie Ocampo. Pasok na sina Den, Thor, at Christian sa Grand Finals.


#ShowtimeTNT5thMidterms
#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp

show more

Share/Embed