It’s Showtime July 2, 2024 | Full Episode
ABS-CBN It's Showtime ABS-CBN It's Showtime
2.31M subscribers
189,827 views
0

 Published On Jul 2, 2024

Madlang people, we love you, at ipapa-feel namin 'yan sa inyo ngayong July 2! Simulan ang good vibes sa pangmalakasang hatawan nina Jeremy G, Paul Salas, at ng dance group na Adhika.

Come on, let's learn some Gen Z moves! Bet mo rin bang i-flex ang 'yong groove? Si Vice Ganda, todo-bigay sa kanyang mga galaw. 'Di bale nang sumakit ang likod at tuhod basta happy ang mga manonood. Si Tyang Amy Perez, hindi rin nagpaawat. Syempre, sina Darren Espanto at Jackie Gonzaga, samahan pa ng Jhong Hilario, party vibe ang hatid para sa'yo!

Sa "Karaokids," magaling mambudol ang kalaban. But not today, dahil ipinasa nina Teddy Corpuz at Jackie Gonzaga ang tamang sagot sa tandem nina Jhong Hilario at Jugs Jugueta.
Mabilis ang pangyayari kaya medyo nagulat si MC. Pabilisan kasi ng pindot ang labanan. 'Yun nga lang, si Ogie Alcasid, ang bilis pumindot pero 'di naman alam ang sagot.
Join na sa kantahan nina Imogen, Jaze, Kelsey at Briseis — yun nga lang, kailangan mo munang i-decode ang lyrics.

It's one thing to be cheated on, pero nadadagdagan pa ang sakit 'pag pinamukha sa'yo na ikaw ang dapat sisihin kung bakit ka niloko. Caela at Jay, ano ba'ng kwento? Alamin natin sa "EXpecially For You."

Nagkakilala sa isang pageant. Kapwa panalo sina Caela at Jay nang sila'y maging mag-on, matapos ang masigasig na 'da moves' ni Caela. Punta na tayo sa exciting part: si Jay, dinadala sa paborito nilang coffee shop ni Caela ang isang co-candidate niya. Hanggang sa tuluyan nang naglaho ang pag-ibig niya para sa nobya. Nang humupa ang thrill, parehong babae ang nawala kay Jay.

Mga estudyanteng may golden tinig, kumasa sa hamon ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Unang sumabak sa entablado si Joryll Atienza ng Lipa City Colleges. Napa-throwback ang lahat sa pagkanta n'ya ng Victor Wood classic na "One More Chance." Bukod sa husay sa pag-awit, may talent din si Joryll sa pagme-makeup. Kung kukulahan niya ang mukha ng isa sa mga 'Showtime' hosts, sino kaya ang bet n'yang umupo sa kanyang makeup chair?

Mamahalin mo rin ang pag-awit ni Francis Indonto ng "Pare Mahal Mo Raw Ako." Ang estudyante ng St. Joseph School of Fairview, Inc., masaya na tumuntong sa entablado. Pansin din ng 'Showtime' hosts ang mala-manikang kagwapuhan ni Francis.

show more

Share/Embed