Gloc-9 - 72 Bars Klumcee Bangerz Takot Pero ‘Di Duwag
Gloc -9 Gloc -9
1.2M subscribers
863,638 views
35K

 Published On Apr 12, 2020

Subscribe to the channel: http://bit.ly/glocdash9YT

Takot Pero ‘di Duwag

Takot ka daw
ayos lang yan pare sino bang hindi
Kung marami kang problema daanin mo sa ngiti
Paagusin mo ang luha
Ihikbi nang ihikbi
Huwag mo lang kalilimutan kung paano umuwi
Takot ka daw
Ayos lang yan pare tayo tayo to
Malalampasan mo din ang lahat kayang kaya to
Mabasa ka man ng dagat bumagyo man ng bato
Di lang ikaw ang may pinag daraanan pati ako.
Balita ko hindi ka na daw makalabas ngayon
Nag aalala baka walang masalok sa balon
Lumalakas ang ulan sa makalawang na bubong
May hinihingi ang yong anak di ka maka tugon
Balita ko lagi ka daw nakatingin sa orasan
Kahit araw o gabi
baka mapag iwanan
Mahal sa buhay mga pangako mong nilalaan
Sa lumang sulatan madami ka pang di nakukrusan
Ni isa isa pa mga bata pa sila
Sino pa kayang puwedeng mag alaga sa kanila
At aakay patayo pag silay nadadapa
Twing ikay napapaluha titingin sa kabila
pati ating mga magulang
sa haba ng panahon
satin ay di nag kulang wag mong kalilimutan yon Sanay kayang pang mabawi mapigilan ang panahon
Mabalik ang ube na hinalo ng isang milyon
Takot ka daw
ayos lang yan pare sino bang hindi
Kung marami kang problema daanin mo sa ngiti
Paagusin mo ang luha
Ihikbi nang ihikbi
Huwag mo lang kalilimutan kung paano umuwi
Takot ka daw
Ayos lang yan pare tayo tayo to
Malalampasan mo din ang lahat kayang kaya to
Mabasa ka man ng dagat bumagyo man ng bato
Di lang ikaw ang may pinag daraanan pati ako.
Kung nahihirapan ka
Isipin mo nalang sila
Buhay buhay sa araw araw laging paisa isa
Di pwedeng dumalawa kasi bawal ang tatlo bawat piraso ng ulam bilang sa sinusweldo mo
Lumay lagi nalang bago kasi walang pamalit
Pilit pinapagkasya ang masikip at maliit
Pinigang pitaka lukot na at pilipilipit
Kahit mura ay mahal sa tao na nagigipit
Babawasan ang pangkain para may pampagamot
Nasa harapan mo na pero hindi mo maabot
Laruang di mabili malalim na kumukurot
Pipiliting ngumiti kahit na sadyang malungkot
Ang nasa kaliway umaga
gabi naman sa kanan
Dito samin yan ang layo ng mahirap at mayaman
Mga paang di nalakaran ang lupa ng dayuhan
Ngayon sino sa atin ang tunay na makabayan
Takot ka daw
ayos lang yan pare sino bang hindi
Kung marami kang problema daanin mo sa ngiti
Paagusin mo ang luha
Ihikbi nang ihikbi
Huwag mo lang kalilimutan kung paano umuwi
Takot ka daw
Ayos lang yan pare tayo tayo to
Malalampasan mo din ang lahat kayang kaya to
Mabasa ka man ng dagat bumagyo man ng bato
Di lang ikaw ang may pinag daraanan pati ako.
Gusto kong manood ng sine
Kumain sa labas
O mamulot ng kabibe habang lumalagaslas
Sa dalampasigan laging mag lalakad sa buhangin salubungin at maramdaman muli ang preskong hangin
Sa ngayon
dito lang muna tayo sa loob
Pakalmahin mo ang kaba magpakilala sa kutob
Unahin ang nasa baba
huwag hatakin palubog
Bunga ng tagumpay natin matamis kapag hinog
Pero laging tandaan ang mga kababayan natin
Na nasa harapan nakahanda na sagupain
ang kalaban na di nakikita at naririnig
Kung puwede lang di huminga tapos itikom ang bibig
Lagi tayong papalag
Basta huwag kang lalabag
Susugin ang daan na maputik at hindi maluwag
Nangangapa na parang bulag
Kahit mabuwag
Puwedeng matakot ang tao nang hindi nagiging duwag
Takot ka daw
ayos lang yan pare sino bang hindi
Kung marami kang problema daanin mo sa ngiti
Paagusin mo ang luha
Ihikbi nang ihikbi
Huwag mo lang kalilimutan kung paano umuwi
Takot ka daw
Ayos lang yan pare tayo tayo to
Malalampasan mo din ang lahat kayang kaya to
Mabasa ka man ng dagat bumagyo man ng bato
Di lang ikaw ang may pinag daraanan pati ako.

show more

Share/Embed