Naglayag ang Pamilya ni Lehi Patungo sa Lupang Pangako | 1 Nephi 18
The Church of Jesus Christ in the Philippines The Church of Jesus Christ in the Philippines
26.7K subscribers
10,640 views
117

 Published On Nov 1, 2019

Ang sasakyang-dagat ay natapos at sumakay ang pamilya ni Lehi para maglakbay patungo sa lupang pangako. Pagkaraan ng maraming araw ng paglalayag sa dagat, ang mga kapatid na lalaki ni Nephi at ang mga anak na lalaki ni Ismael at kanilang mga asawa ay nagsimulang magkasala sa Espiritu sa pamamagitan ng pag-awit, pagsasayaw, at pagsasalita nang may labis na kagaspangan. Nang payuhan sila ni Nephi na tumigil dahil sa takot na magalit sa kanila ang Panginoon, siya ay kinuha nina Laman at Lemuel at iginapos ng lubid. Ang Liahona ay tumigil sa paggalaw, at isang malakas na bagyo ang humagupit sa sasakyang-dagat sa loob ng tatlong araw. Sa ikaapat na araw, nang matanto nina Laman at Lemuel na talagang malulunod sila dahil sa bagyo, nagsimula nilang matanto na ang mga kahatulan ng Diyos ay napasakanila kaya’t kinalagan nila si Nephi. Ang Liahona ay gumalaw muli, at inugit ni Nephi ang sasakyang-dagat patungo sa lupang pangako. 

Batay sa 1 Nephi 18.

show more

Share/Embed