TULA 👏🏻 "Ang Laki Sa Layaw" (mula sa "Florante at Laura") ni Francisco Balagtas
BALAGTASAN BALAGTASAN
4.87K subscribers
12,085 views
133

 Published On Jan 17, 2023

Sa tinig ni Bert Cabual, batikang makata, mambabalagtas, manunulat, brodkaster at guro buhat sa Batangas. Kasalukuyan siyang naninirahan sa London.

ANG LAKI SA LAYAW
ni Francisco Balagtas

Pag-ibig anaki’y aking nakilala,
di dapat palakhin ang bata sa saya;
at sa katuwaa’y kapag namihasa,
kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.

Sapagka’t ang mundo’y bayan ng hinagpis,
mamaya’y sukat tibayan ang dibdib;
lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis,
anong ilalaban sa dahas ng sakit?

Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,
mahina ang puso’t lubhang maramdamin;
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratna’y di na matutuhang bathin.

Para ng halamang lumaki sa tubig,
daho’y nalalanta munting di madilig;
ikinaluluoy ang sandaling init,
gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig.

Munting kahirapa’y mamalakhing dala,
dibdib palibhasa’y di gawang magbata;
ay bago sa mundo’y walang kisapmata,
ang tao’y mayroong sukat ipagdusa.

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad,
sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.

Sa taguring bunso’t likong pagmamahal,
ang isinasama ng bata’y nunukal;
ang iba marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.

#spoken word poetry tagalog

show more

Share/Embed