Bagong Umaga by J-KID Feat Fateeha (Official Audio) Produced by: Medmessiah
J-KID OFFICIAL J-KID OFFICIAL
26.4K subscribers
6,870 views
276

 Published On Aug 3, 2020

Song Title: Bagong Umaga
Artist: J-KID & Fateeha
Music Produced by: Dj Medmessiah

(Bagong Umaga) Lyrics


Sa pagmulat ng mata at pag bangon mo sa kama Ang kasabay nito ay ang bagong umaga
Bawal sumimangot salubungin ng ngiti Gamutin ang sugat kahit mahapdi
Ipakita sa lahat na kahit na dapa ka kaya mong bumangon wag kang mahiya na
Humarap sa ibat -ibang mukha titigan mo sila ng diretso sa mata

Humakbang kahit na hindi ka pa handa kasi walang silbi ang buhay
Kung ang nakatakda ay alam mo na kaya bat ka mangamba
Kung natawid mo yung liko yung diretso pa kaya
Matagal mo ng tinama ang maling akala kaya yung mga pana hayaan mong tumama
Kung may mali kang nagawa sa buhay syempre sila rin
Dahil tao lang sila at syempre tao ka lang din

chorus:

Wag kalimutan ang nakaraan
Pero kailangan natin humakbang
Tara sa amin ka na sumama
Salubungin natin ang bagong umaga

Ohhh ohhh ohhh ohhh (Bawal sumimangot salubungin ng ngiti)
Ohhh ohhh ohhh ohhh (Gamutin ang sugat kahit mahapdi)
Ohhh ohhh ohhh ohhh (Humarap sa ibat ibang mukha)
Ohhh ohhh ohhh ohhh (Titigan mo sila ng diretso sa mata)

Fateeha

Kung gusto mong mag bago sa dilim wag kang mag tago
Alisin ang galit na nakatanim sa puso
Sabi nga nila may bukas pa kaya ano ngayon kung may butas ka
Mga maruruming kamay nag hugas na hindi porket may gamot may lunas na
uh! ang ibig kong sabihin wag mo ng pilitin napagtakpan pa ang mga maling gawin

Mag tiwala ka sa langit lumuhod manalangin
Maniwala sa sarili na ikaw ay papalarin
Kahit mahulog ka pa sa bangin wag na wag kang mag aalangan
Lumangoy sa dagat sisirin mo kahit gaano kalalim pa yan
lalakarin liliparin lalakbayin mo ng pasulong
kahit na libo libo at milyon milyon ang bumubulong
Mga balakid lalagpasan kahit ligawin wag kang malito
Tamang landas ang lalapagan at wag na wag kang liliko


chorus:

Wag kalimutan ang nakaraan
Pero kailangan natin humakbang
Tara sa amin ka na sumama
Salubungin natin ang bagong umaga

Ohhh ohhh ohhh ohhh (Bawal sumimangot salubungin ng ngiti)
Ohhh ohhh ohhh ohhh (Gamutin ang sugat kahit mahapdi)
Ohhh ohhh ohhh ohhh (Humarap sa ibat ibang mukha)
Ohhh ohhh ohhh ohhh (Titigan mo sila ng diretso sa mata)

show more

Share/Embed