AKLAT NI SANTIAGO | THE HOLY BIBLE: JAMES | TAGALOG AUDIO BIBLE
TAGALOG HOLY BIBLE TAGALOG HOLY BIBLE
14.5K subscribers
20,172 views
277

 Published On Apr 19, 2023

May mga nagpapalagay na ang sulat na ito ay pagkontra ni Santiago sa mga mali ang pagkaunawa sa katuruan ni Pablo tungkol sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang pananaw na ito ay tinatawag na "antinomianism" isang paniniwala na hindi na kailangan ang pagsunod sa mga kautusan ng Lumang Tipan, mga batas na sekular at lahat ng uri ng batas pangmoralidad man o pang lipunan para sa kaligtasan. Ang Aklat ni Santiago ay isinulat para sa mga Hudyong Kristiyano na nakakalat sa lahat ng bansa (Santiago 1:1). Hindi nagustuhan ni Martin Luther ang aklat na ito at tinawag niya itong "epistle of straw," dahil hindi niya naunawaan na ang katuruan ni Santiago ay sumusuporta - hindi komokontra sa katuruan ni Santiago tungkol sa pananampalataya. Habang pinagtuunan ng pansin ni Pablo ang katuruan tungkol sa pagpapawalang sala ng tao sa harapan ng Diyos, pinagtuunan naman ni Santiago ng pansin ang mga gawa bilang katibayan na napawalang sala na ng Diyos ang isang tao. Sumulat si Santiago para sa mga Hudyo upang himukin sila na magpatuloy sa paglago sa kanilang bagong pananampalataya bilang mga Kristiyano. Itinuro niya na ang mabubuting gawa ay normal na dadaloy mula sa mga taong tinatahanan ng Espiritu Santo. Pinagdudahan ni Santiago ang pananampalataya ng mga taong nagsasabing may pananampalataya ngunit hindi naman nakikita sa kanilang buhay ang bunga ng kanilang pananampalataya na inilarawan ni Pablo sa Galacia 5:22-23.

❤️❤️❤️SUPPORT❤️❤️❤️
IF THIS CHANNEL HAS HELPED YOU IN YOUR SPIRITUAL JOURNEY AND WISHES TO EXPRESS SUPPORT, YOU MAY DO SO THROUGH THE FOLLOWING LINK BELOW. THANK YOU AND MAY GOD BLESS YOU.

GCASH: 090-5577-2262 (OD****R B.)

Buy me a coffee:
https://ko-fi.com/tagalogaudiobible

show more

Share/Embed