Published On Sep 13, 2021
ANG AKING PANALANGIN
BY REYNALDO POTOT
Darating ang oras ibubuhos ng langit
Ang mangkok sa lupang punong-puno ng galit
Titindi ang sugat, pupula ang dagat
Maging ang nasa ilog ay mamamatay lahat.
KORO:
Ang Diyos nagsasabi na Siya ay darating
Upang tayo'y kunin at sa langit ay makarating
Mawawala nang hirap, lungkot ay mapapawi
Ang aking panalangin tayong lahat ay
makauwi.
.
Darating ang oras ibubuhos ng langit
Ang mangkok sa lupang punong-puno ng galit
Titindi ang init ng araw na walang katulad
Lahat ng nasa hula ay pawang matutupad.
( Ulitin ang koro )
.
Darating ang oras ibubuhos ng langit
Ang mangkok sa lupang punong-puno ng galit
Magdidilim ng sobra kidlat, kulog ay maririnig
At ang lahat ng natitira'y lindol ang yayanig.
( Ulitin ang Koro )
______________________
For more related content please like,share and subscribe to our channel. God bless 🙏
FACEBOOK; https://www.facebook.com/profile.php?...
#angakingpanalangin #tagalogworshipsongs #daratingangoras