Sa pelikulang ito, maririnig mo daw ang boses ng Diyos (Saint Maud)
Claro the Third Claro the Third
3.67M subscribers
94,704 views
3.2K

 Published On Oct 13, 2022

Saint Maud ang title ng pelikulang ito. Kung saan kinakausap daw ng DIyos ang babaeng nagngangalang Katie. Isa siyang nurse.

Sa pelikula, ang goal niya ay "iligtas" ang pasyente niyang si Amanda sa pagiging Atheist.

Matindi to'ng palabas na to, lalo na yung mga eksena na nagpapakita ng devotion si Katie sa "Diyos" na kausap niya. May isang eksena pa na nilagyan niya ng mga pako yung sapatos niya saka sinuot. Penitensya ba.

Isa pa sa mga nakakakilabot na parte ay ang eksena ng pagkausap ng "Diyos" kay Katie. Dito na talaga ako kinilabutan dahil mapapaisip ka kung ano nga ba talaga ang boses ng DIyos kung kakausapin niya tayo.

Haunting, and disturbing, ganyan ang reaksyon ko nung marinig ang boses.

Idagdag mo pa yung ending nito.

Dapat mo ba ito panoorin? Oo, lalo na kung mahilig ka sa mga pelikulang pagiisipan mo ng matagal. May lalim, at hindi basta bastang jumpscare lang.

Score 8/10

show more

Share/Embed