Pwede bang magpa-late register kung may mali sa birth certificate?
Batas mo, Batas ko with Atty. Ronnie  R  Redila Batas mo, Batas ko with Atty. Ronnie R Redila
47.4K subscribers
1,687 views
60

 Published On Jan 31, 2024

Akala ng mga iba na kapag magpa-late register ng kapanganakan, maitatama na ang pagkakamali sa una nilang birth certificate na nakarehistro. Ito ay maling akala.
Sa guideline ng PSA, ang una o mas maagang petsa ng pagpaparehistro ay mangingibabaw at ito ang kanilang ibinibiigay sa nagrerequest ng kopya ng PSA birth certificate. Pero ang pangalawang nakarehistro ay naka-save sa data base ng PSA.
Ibig sabihin, kapag nag-request ka ng kopya ng PSA birth certificate , lagi ibinibigay sa iyo ay ang unang registered copy kahit na nagpasa ka uli ng panibagong birth certificate para i-correct ang pagkakamali sa una. Patuloy mong makukuha ang birth certificate na na unang nakarehistro, hanggang sa gawin mo ang pagwawasto ng mga pagkakamali sa pamamagitan ng mga remedy o guideline na ibinigay ng PSA.

show more

Share/Embed