Published On Nov 3, 2014
Hiblang Himala Lyrics
Here's the full lyrics:
Ang bawat mga hiblang nilikha
Tubigan at batuhang isang himala
Na kalawakan ang kumakarga
Umiinog, dumuduyan na kay gara
Ang sariwang simoy ng hangin
Na hatid ng panginorin
Ginhawang kay sarap lasapin
Biyayang ka’y lusog sa’tin
Refrain:
Bakit hindi nalang nagkasya?
Nakikialam pa tayo sa ganda.
Bakit naging lasong umiihip?
Na ang bulong may halong panganib.
CHORUS:
-Sumisingasing na ang ulan
Nagngangalit na ang bulkan
Nagpupuyos na ang buhawi
-Lahat ng buhay masasawi
Kung ‘di kikilos at babawi
Kung ‘di kikilos at babawi
Kurot ng araw, kay lambing ng sinag
Bumabangis na ngayon ang alab
At dito na nababanaag
Hudyat na simula na ang wakas
Mga sanggol pang niluluwal
Mga bangkay ng itatanghal
Sa daigdig ng mga buhay
Na daig pa ang mga patay