Rogene Yabs - Iniibig (Music Video)
Living to Worship Him Living to Worship Him
21.1K subscribers
4,746 views
63

 Published On May 10, 2017

Composed by Rogene Butol
Produced by NP Home Studio

Chorus
Iniibig.. Iniibig kita..
Pinupuri.. Pinupuri kita..
Iniibig at pinupuri wala nang iba pa..
Pagkat sayo natagpuan lahat nang kakaiba..

Verse 1
Salamat sa lahat dahil narito ako
Grasya mo ang dahilan bakit nalikha ko to
Pinuno mo nang biyaya at pagmamahal mo
na walang sino mang makakahiwalay nito..

Kunin mo ang puso ko at ikaw ang bahala
pasukin mo, baguhin mo akoy naniniwala
gamitin mo Sayo at hindi na magtatago
dating lumay wala na, parating na yung bago

bagong ako na susunod sa yung mga halimbawa
buksan mo ang langit para sa taong walang unawa
Bigyan mo nang saya na umabot hanggang tala
Pagmamahal mo na di kayang tumbasan ng pera

Hangad ko lang naman sabihin na mahal kita
ayokong sarilinin gusto ko malaman ng iba
yan ang laging hamon sa mga totoong naniniwala
Ikaw ba ay nagtitiwala? O bibitaw nalang bigla?

Chorus
Iniibig.. Iniibig kita..
Pinupuri.. Pinupuri kita..
Iniibig at pinupuri wala nang iba pa..
Pagkat sayo natagpuan lahat nang kakaiba..

Verse 2 (Spoken Word)
Pagmamahal moy pinatunayan mo
sa pamamagitan nang sakripisyo
kaya kulang pa ang awit ko para purihin ka
kulang pa yung mga gawa ko para sabihing mahal kita
dahil ang salitang mahal kita sayo nagmula, kaya don ako nagsimula
sinuko ko yung sarili ko pinasan ko yung buhat mo dahil doon
naramdaman ko sino at ano kami para sayo para maging karapat dapat sa kaligtasan mo.

Verse 3
Iniibig kita sa lahat ng sitwasyon
Dahil sa grasya mo meron nkong direksyon
Yung hinaharap di ko na yon problema
sapagkat hawak mo na sayong kamay aking nobela

Kalooban mo muna ang laging mauuna
sapagkat alam mo yung totoo at kung anong tama
salamat aking Ama sa lahat ng biyaya
At sa pakikiramay pag ako ay nagiisa..

show more

Share/Embed