Ikaw Ang Bituin (Gawad Sikhay Theme Song) - Jeffrey Ray Miguel
Jeffrey Ray Miguel Jeffrey Ray Miguel
1.1K subscribers
132 views
8

 Published On Premiered May 1, 2024

IKAW ANG BITUIN (Gawad Sikhay Theme Song - Mariano Marcos Memorial High School)
Awit Para sa mga Guro
Silver Medal for Copyright Artistic Work - 2nd Manila Intellectual Property, Innovation and Business Incubation Expo (MIPIBIEx) 2023
Words and Music by Jeffrey Ray C. Miguel

1. Ikaw ang lakas sa t'wing mahina ang loob
Kamay mo ang tangan para bumango't magsikap

At pagnaliligaw, ika'y pastol na hahanap
Tangan mo sa 'yong puso tungkuling marangal.

Pre Chorus:
At sa mundong pabago ng pabago
Gabay mo ang hanap, ikaw ang ehemplo

Chorus:
Ikaw ang gabay, ikaw ang patnubay
Ang liwanag sa madilim na landas
Ika'y halimbawa, inspirasyon na tunay
Ikaw ang pag-asang makamit ang pangarap
Liwanag mo'y papasikatin, liwanag mo'y magniningning
Dadakilain, Ikaw ang bituin

2. Ikaw ay tapat sa sumpang binitawan.
Buhay mo ay laan para sa bata at bayan.

(Pre Chorus - Chorus)

Bridge:
Tanglaw at gabay sa bawat tagumpay
Maraming salamat sa iyong buhay

**Chorus

Liwanag mo'y papasikatin, liwanag mo'y magniningning
Dadakilain, Ikaw ang bituin
Ikaw ang bituin, Ikaw ang bituin

show more

Share/Embed