Buod ng Yumayapos ang Takipsilim
MJ Mejia TV MJ Mejia TV
71.2K subscribers
10,330 views
127

 Published On Premiered Feb 21, 2023

Yumayapos Sa Takipsilim
Mga Karakter :
Ramon- panganay na anak ni Lola
Carmen-asawa ni Ramon
Lydia - Anak ni Ramon at Carmen ,Apo ni Lola.
Rey- Bunsong anak ni Lola,
Odet -Anak ni Rey ,Apo ni Lola,
Tinay- Katulong sa bahay ni Ramon at Carmen
Buod

Umiikot ang kwento sa isang matanda na may dalawang anak na sina Ramon at Rey. Si Ramon ay may anak sa asawa nitong si Carmen na nagngangalang Lydia. Si Odet naman ang anak ni Rey, ang bunsong anak ni Lola.

Isang araw pinuntahan ni Lydia ang kanyang Lola kung totoo ba na ito ay titira na sa kanyang Tiyuhin na si Rey, Ang Lola ay nagtaka at walang ideya sa tinanong ni Lydia ngunit maharahan nitong sinagot na "Hindi apo hindi ako pupunta sa Tiyo Rey mo.

Natuwa si Lydia sa balitang ito ngunit nagiwan ito nag pagtataka kay Lola kung san ito nakuha ng bata. Kinabukasan kinausap ni Ramon si Lola kung okay lamang na manatili ito ngayon bakasyon sa kanyang Bunsong Kapatid na si Rey.

Sinabi din ni Ramon na sabik na sabik ito makasama ni Rey at ayaw nitong payagan si Lola na doon tumira, magbabakasyon lamang ito. Natuwa si Lola sa balitang ito bagamat wala na itong ideya sa itsura ng kanyang apo na si Odet at ang Asawa ni Rey.

Pinainom ni Tinay si Lola ng gamot at sinabing nasa ibaba na ang bunsong anak nito na Rey, si Tinay ang kasambahay nila Ramon sa bahay. Binaba na si Lola na nakaupo sa upuang di gulong. Sabik itong pumunta kay Rey. Nagusap ang magkapatid sa isang silid na malayo ke Lola.

Sa kagustuhan ni Lola na marinig ang kanilang usapan, ito ay nalungkot sakanyang narinig. Pagod na ang kanyang panganay na anak sa pagaalaga sa ina kaya pinakiusapan nitong si Rey muna ang magbantay. Ang bunsong si Rey naman ay hindi din gustong magalaga sa ina.

Si Lola ay napaluha sakanyang narinig at wala naman na siyang magagawa dahil totoo namang siya ay pabigat na sa mga anak. Masakit lamang ito kay Lola ngunit ito ay kanyang hinayaan nalamang.

Aral
Ang kwento na ito ay nagtuturo sa mga anak na kahit anong hirap man na alagaan ang mga magulang na matatanda na ito ay nanatiling isang obligasyon na kailangan gawin dahil noong ikaw ay musmos palang walang sawa ang patnubay ng mga magulang upang lumaki kang maayos. Sa pag tanda nila ito lamang ang panahon mo upang bumawi sa lahat ng sakripisyong ginawa nila para sayo.

#yumayaposangtakipsilim
#yumayapossatakipsilim
#yumayaposangtakipsilimbuod
#yumayaposangtakipsilimaral
#titsermjtv
#TitserMJTV
Thank you for watching !
For business inquiries and collaboration, message me on my Facebook Page:   / iamtitsermjtv  
Support me and become a member:
   / @mjmejiatv  

show more

Share/Embed