Magtitiwala Pa Rin Sa 'Yo (Minus One)
Ana Megumi Gamez Ana Megumi Gamez
97 subscribers
20 views
0

 Published On Jul 7, 2023

Magtitiwala Pa Rin Sa 'Yo
Words by Ana Gamez / Music by Juliet Astrologo
Copyright@2016 by Logos Music

Verse 1
Di ko man maunawaan ang nangyayari sa buhay ko
Magtitiwala pa rin sa 'Yo
Dahil alam kong pinapatatag Mo
pananampalataya ko.

Chorus
Di manghihina, di tatalikod
Dahil alam kong pagsubok lang ito
Kagaya ng ginto ito'y idinadarang Mo
Upang malaman kung dalisay at totoo

Verse 2
Di man ako maunawaan ng mga tao
dahil sa aking pagsunod sa Yo
Magtitiwala pa rin sa 'Yo
Dahil alam kong pag Ikaw ang pinili ko
Sasamahan Mo ako

Chorus
Di manghihina, di tatalikod
Dahil alam kong pagsubok lang ito
Kagaya ng ginto ito'y idinadarang Mo
Upang malaman kung dalisay at totoo

Verse 3
Di man mangyari ang gusto ko
At iba ang tugon Mo sa panalangin ko
Magtitiwala pa rin sa 'Yo
Dahil alam kong higit na mabuti ang mga layunin Mo

Chorus
Di manghihina, di tatalikod
Dahil alam kong pagsubok lang ito
Kagaya ng ginto ito'y idinadarang Mo
Upang malaman kung dalisay at totoo

Bridge
Magtitiwala, O Diyos magtitiwala sa ’Yo
Anuman ang bagyo na dinaranas ko
Ikaw ay kasama ko
Magtitiwala, O Diyos magtitiwala sa ’Yo
Sa lakas ng kapangyarihan Mo magtatagumpay ako

Chorus
Di manghihina, di tatalikod
Dahil alam kong pagsubok lang ito
Kagaya ng ginto ito'y idinadarang Mo
Upang malaman kung dalisay at totoo

Di manghihina, di tatalikod
Dahil alam kong pagsubok lang ito
Kagaya ng ginto ito'y idinadarang Mo
Upang malaman kung dalisay at totoo

Biblical Foundations: Awit 62:6-8; Panaghoy 3:24-26; I Pedro 1:6-7

show more

Share/Embed