Paano papaallis ang pangalan ng tatay sa birth certificate?
Atty. Chel Diokno Atty. Chel Diokno
333K subscribers
12,388 views
85

 Published On Jul 14, 2022

'PUWEDE KO PO BA MATANGGAL ANG AMA NG ANAK KO SA KANYANG BIRTH CERTIFICATE KASI PO 1 MONTH PA LANG PO ANG BATA, UMALIS NA PO ANG LALAKI AT HINDI NA PO NAGPAKITA PA. HINDI DIN PO SIYA NAGBIBIGAY KAHIT SENTIMO SA BATA.'

Sabi ni Atty. Angelisa Razo, ang aking nakasama sa pagsagot sa inyong mga katanungan sa nakaraan nating Free Legal Helpdesk, marami na siyang natanggap na ganitong mga tanong na kung saan masama ang loob ng ina sa ama ng kanyang anak.

Sa ganitong sitwasyon, kapag legitimate, may option na gamitin ang apelyido ng nanay. Kapag illegitimate naman ngunit na-recognize na, kailangan mo pang magsampa ng petisyon sa hukuman para maalis ang pangalan ng tatay.

Sayang ang hakbang na ito, dahil wala ring katiyakan kung papayagan ng korte na alisin ang pangalan ng ama sa birth certificate.

Ito’y dahil wala sa mga requirement sa pagpapalit ng apelyido ang nasabing sitwasyon.

Payo nga ni Atty. Razo, kung na-recognize na ang bata, huwag nang tanggalin ang apelyido ng tatay dahil lang sa galit. Hindi tayo dapat magpadala sa ating emosyon.

show more

Share/Embed