CBN Asia | Your Giving Brings Hope to Typhoon Aghon Survivors in Quezon | Ministry Video
CBN Asia CBN Asia
78.3K subscribers
93 views
2

 Published On Premiered Jun 21, 2024

Isa ang lugar ng Mauban, Quezon sa maraming napinsala ng bagyong Aghon. Nagdulot ng matinding pagbaha sa barangay dahilan upang masira ang mga bahay at ari-arian ng mga residente. Kabilang na rito ang pamilya nina Myrna at Elvie na tila nawalan na ng pag-asa dahil sa trahedya na kanilang naranasan. Bukod sa nasira ang tinitirahan ay nagtamo rin ng mga sugat si Elvie dahil sinubukan niyang iligtas ang iba pang kagamitan habang si Myrna naman ay umabot na sa kanilang bubong ang baha.

Salamat sa inyong patuloy na pakikipagtulungan, tuloy-tuloy pa rin na naisasagawa ng Operation Blessing ang kanilang disaster response program. Ito ang nagbigay pag-asa kay Myrna at Elvie maging sa ibang residente sa Mauban dahil sa tulong na kanilang natanggap. Bukod dito ay ipinakilala rin sa mga beneficiary si Hesus na Siyang nagbibigay kaligtasan at kapayapaan sa buhay ng tao.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pakikipag-partner sa CBN Asia at Operation Blessing. Marami sa ating mga kababayan ang naaabot ng tulong sa tuwing nakakaranas ng pagsubok at trahedya.

Hindi ka man nakakasama sa lugar ay malaking bagay ang iyong ibinibigay upang maging pagpapala sa ating mga kababayan. Upang maging kabahagi ng gawain ng Panginoon sa CBN Asia at Operation Blessing, maaari mong ipadala ang iyong donasyon sa cbnasia.com/give. Puwede mo ring bisitahin ang Facebook page @OperationBlessingPH. Pagpalain ka ng Diyos!

_________________________________________

Have you subscribed to our channel yet? Make sure to subscribe and click the bell button so you're updated with our latest videos.

Click here: https://bit.ly/SubscribetoCBNAsia

Visit the CBN Asia Website: https://www.cbnasia.org

Connect with us on: Facebook: @CBNAsia

Tiktok:   / cbnasia  

show more

Share/Embed