Panalangin sa Santo Entierro
LiveLife Tv LiveLife Tv
17.1K subscribers
4,994 views
28

 Published On Apr 2, 2021

PANALANGIN KAY JESUS SA
SANTO ENTIERRO
O JESUS, sa pagkakasala ng tao,ikaw ay isinugo ng Diyos Amang puspos ng awa at pagmamahal upang tubusin ang sangkatauhan sa pagkakalugmok sa kasalanan. Sinasamba at pinasasalamatan ka namin. Ngayong kami ay tigib ng hapis dito sa lupa, habang pinagninilayan ang mga sandaling ikaw ay nakahimlay sa iyong banal na libingan, at alang-alang sa paghihirap na iyong tiniis at sa mga biyayang tinamo mo para sa aming kaligtasan, dumudulog kami sa iyo na ipagkaloob mo ang aming pinaka-mimithing grasya sa mga oras na ito
(tahimik na banggitin ang personal na intensyon).
Ipagkaloob mo Panginoon Hesukristo, na tulad mo, kami ay patuloy na maging bukas sa kalooban ng Diyos Amang nasa langit; mag-karoon ng kababaang-loob sa oras ng kahinaan at pagkakasala upang, patakbo at puno ng pagsisisi, kami ay buong pusong mag-balik-loob sa iyo; mamuhay ng may di matitinag na pananampalataya at pag-asa; may pagmamahal at paghahangad na maglilingkod at mag-alay ng sarili sa aming kapwa, gaya ng ginawa mo sa amin.
Nagsusumamo kami, Panginoong Jesus na nakahimlay sa banal na libingan, na sa pagsapit ng sandali ng katapusan ng aming buhay dito sa lupa, matamo nawa namin, sa langit mong tahanan, ang bunga ng iyong ginawang pagliligtas. Sapagka’t ikaw ay Diyos na nabuhay na mag-uli, at ngayo’y naghahari sa iyong kaluwalhatian kasama ng Espiritu Santo at ng lahat ng mga Banal, magpasawalang hanggan. Amen


Sundan ng: Ama Namin. Aba Ginoong Maria.


#SantoEntierro #tagalogprayers #LivelifeTv #Goodfriday #goodfridayprayer

show more

Share/Embed