SEKYU, PINAGTATAWAN NG MGA KATRABAHO, GULAT SILA NANG IANUNSYO NA SIYA ANG PAPALIT NA CEO FULL STORY
ISTORYA NI AMIHAN ISTORYA NI AMIHAN
85.2K subscribers
106,868 views
3K

 Published On Feb 16, 2024

love story Tagalog | SEKYU, PINAGTATAWAN NG MGA KATRABAHO, GULAT SILA NANG IANUNSYO NA SIYA ANG PAPALIT NA CEO FULL STORY

Written by: Evangel P
Narrated by: Lenie Ilao
Revised and rearranged by: Amihan
Lahat ng oras at atensyon ni Candace ay nasa kanyang lolo, kaya wala na talaga siyang panahon sa pakikipag-date. Lahat ng kamag-anak nila ay nasa probinsya. Sila lang ng lolo niya ang nasa Maynila. Matagal na siyang empleyado ng mall kaya naman marami na talaga siyang kakilala. Maganda si Candace. Matangkad, maputi. Maganda ang mga mata at makinis ang balat kaya malakas din siyang magbenta ng produkto nilang skin care, kahit na sa totoo lang ay hindi naman siya gumagamit ng kanilang mga produkto. Mamahalin kasi ang mga tinda nila at mababa lang naman ang sweldo niya. Bread winner pa siya sa kanyang lolo na may alzeimer's. Bahay at trabaho na lang talaga umiikot ang buhay niya, tapos pagkakarating sa bahay ay aasikasuhin pa niya ang lolo niya.

Isang umaga ay kinikilig na nilapitan na namn ni Michelle si Candace sa kanyang pwesto.

''Uy, Cnadace, may bagong roving guard dito. Sobrang gwapo promise at napakabango pa. Ang laki ng katawan niya, sa tingin ko nga may abs yun eh," masayang bida ni Michelle sa kanya.

"Kay aga-aga lalaki na naman ang bukang bibig mo," paninita ni Candace sa kaibigan habang inaayos at pinipispisan ng alikabok ang mga panindang skin care sa estante. Tuloy ang kamay niya sa ginagawa habang ang kaibigan niya ay tuloy ang bibig sa pag-chismis. Ganoon naman sila sa mall kapag walang customer. Doon na lamang naman sila masaya minsan, pampaalis din ng pagod at ngalay sa maghapong pagtayo sa pwesto at pag-aasikaso ng mga mamimili.

"Anong ang aga-aga eh late ka nga. Anong nangyari sa'yo? Bakit ka naman na-late ng pasok?''

''Eh ang tagal ng bantay kay lolo. Hindi ko naman maiwan at baka makalabas na naman ng bahay at kung saan na naman mapunta. Nung minsang iniwan ko 'yon na walang bantay ayon nakatakas. Tatlong oras kong hinanap. Nakita ko siya sa kalye kasama ang mga taong kalye tapos ang dungis-dungis niya,'' kwento ni Candace dito.

"Ang swerte rin ng lolo mo sa iyo, ano?'' nakangiting papuri ni Michelle sa kaibigan.

"Hindi ako naniniwala sa swerte, Michelle. Lahat may dahilan. Lahat nakukuha sa hard work. At kung totoo mang may swerte eh hindi lolo ko ang swerte sa akin. Kundi swerte ako sa kaniya. Siya kaya ang nagpakain at nagpaaral sa akin nung nawala na ang mga walang kwenta kong mga magulang. Sayang nga lang at hindi ko natapos ang aking pag-aaral. Pero kapag nakaluwag-luwag babalik ako sa pag-aaral. Bente sais pa lang naman ako kaya pwedeng-pwede pa akong bumalik sa college. Hindi ko lang maisingit ngayon dahil may sakit ang lolo ko,'' mahabang pahayag ni Candace. Bakas pa rin ang positibong awra sa kanya kahit na mahirap ang kalagayan niya.

"Dami mong ipinaglalaban, friend. Anyway, pagdaan ng bagong guard mamaya ituturo ko sa iyo. Malay natin siya na pala ang prince charming ko,'' kinikilig na sabi ni Michelle.

Visit my Main Channel (AMIHAN STORIES) for more stories    / amihanstories  

Tags
#tagaloglovestory
#amihanstories
#tagaloginspirationallovestory

tagalog love story full episode
inspirational tagalog love story
ang kwento ng pag ibig
kaalaman tv
kwentong pag ibig full story
Precious heart romance
kwento wikipedia
mga kwentong pinoy extra
korean love story tagalog 2022
mga kwentong tagumpay
kwento para kay crush
tagalog romance story
tagalog love story movies in netflix
youtube tagalog love story
movies tagalog love story abs cbn tagalog
full story uncut
maikling kwento totoong buhay
dagdag kaalaman ph
kwento hango sa sariling buhay
mga kwento ng pag ibig at romansa
tagalog loves stories
tagalog novel
kakaibang kwento ng pag ibig

DISCLAIMER:
"All the videos, songs, images, and graphics in the video belong to their respective owners and I or this channel does NOT claim any right over them. Copyright disclaimer under section 107 of the Copyright Act of 1976, allowance is made for "FAIR USE" for purposes such as criticism, comments, news, reporting, teaching, scholarship, education, and research. FAIR USE is a use permitted by scholarship, education, and research. FAIR USE is a use permitted by copyright."

All rights reserved. No part of this book/story may be reproduced, scanned, or distributed in any printed or electronic form without prior written permission from Amihan.

_____________________
Thanks to Keys of Moon Music | One Love by Serjo De Lua -   / keysofmoon  
His beautiful music is created under CC License

show more

Share/Embed